top of page
Writer's pictureLiz Busby

“Shaken” Jhasmin De Castro


“Shaken”

Jhasmin De Castro

“Doc, magiging okey lang ba ang anak ko?” tanong nung babae na kita ang pag-alala sa kanyang pagsasalita.

“Yes Mrs. Mendoza she’ll be okey within a week. Kailangan lang muna namin bantayan ang kanyang kondisyon sa ngayon.” sabi nung doctor.

Pagkatapos tingnan ng doctor ang kondisyon nung dalaga ay lumabas na ito. Hinawakan ng babae ang kamay ng kanyang anak at hinimas ito.

“Sorry anak…” sabi nung babae habang umiiyak.

“Sorry kung napabayaan namin kayo. Busy kasi kami ng papa mo lagi kaya ‘di namin kayo maasikaso. Sorry anak if you ever felt that you are not loved and alone.”

Maya-maya ay nagising si Vlaire at nakita ang kanyang ina na umiiyak habang hawak ang kanyang kamay. Nakatingin lamang siya dito at nagtataka kung bakit ito umiiyak nang maalala niya yung ginawa niya.

Blangko. Iyan yung naramdaman niya noong ginawa niya iyon. Wala siyang maramdaman. Kahit na katiting na sakit ay hindi niya maramdaman. Iniisip niya, kung bakit ganito ang naging hantungan ng buhay niya? Bakit imbis na maging masaya siya na nasa tabi niya ang kanyang ina ay wala siyang maramdaman? Ganito ba talaga kapag sanay ka na sa sakit? To the point na…iisipin mo nalang magpakamatay o kaya maglaslas para lang may maramdaman?

Sa tuwing maaalala niya iyon ay para siyang gumigising sa isang bangungot. Lahat ng masasakit na alaala, lungkot at sakit ay natatandaan niya. Para siyang nawalan ng gana sa buhay. Simula ng magtrabaho ang magulang niya at nagkaroon ng maraming problema ay unti-unti na siyang nagbago. Unti-unti siyang naging malungkot at umiwas sa kanyang mga kaibigan. Lahat ng problema niya ay kinimkim niya at hindi sinabi sa iba.

Depressed. Iyan yung naramdaman niya noong mga panahon na iyon. Malungkot siya, naging malihim, at kinimkim niya lahat ng sakit. Pero tama nga ba ang ginawa niyang desisyon? Na kinimkim ang lahat ng nararamdaman niya kahit masakit na ito ng sobra?

Habang nakatitig sa kawalan ay inisip niya ang lahat ng iyan. Maya-maya ay nagpaalam na lalabas ng kwarto ang kanyang ina at pumasok ang nurse dala ang pagkain niya. Nakatitig pa rin siya sa kawalan at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. Pagkatapos mailapag ng nurse ang pagkain niya ay tinanong ito ng ilang mga tanong at saka lumabas ng kwarto.

Umupo siya at tiningnan ang mga sugat sa pulsuhan niya…habang inaalala ang mga gabing iyon.

“Ate…” tawag sa kanya ng kapatid niya habang kumakatok.

“Ate kain na…” tawag sa kanya ng kapatid niya pero ‘di niya ito pinansin.

Umiiyak lang siya nung gabi na iyon habang unti-unti niyang sinusugatan ang kanyang sarili. Wala. Wala siyang maramdaman.

Maya-maya ay pumasok ang mga kaibigan niya at kinamusta siya. Kahit na ‘di siya sumasagot ay kinuwentuhan pa rin siya ng mga kaibigan niya ng mga nangyari sa school at maya-maya ay nagpaalam na aalis na sila. Ganun parati ang naging pamumuhay niya sa loob ng isang linggo. Kakain, matutulog, dadalawin at kakamustahin ng mga kaibigan niya, minsan mga kapatid niya na nakababata kasama ang mama at papa niya.

Nung okey na siya ay agad naman siyang pinalabas sa ospital at pinauwi na ng kanyang doctor. Pinayuhan rin siya ng doctor niya na magpa-psychiatry para matulungan siya sa kalagayan niya. Nang makarating na sila sa bahay nila ay agad siyang pumunta sa kwarto niya at nagkulong. Tahimik lang siyang nakahiga doon at nakatingin sa kisame, ‘di alam kung ano ang gagawin kaya naiyak na naman siya. Hindi niya alam kung masaya siya dahil dinalaw siya ng mga kaibigan niya, kasi ang alam niya lang…ay malungkot siya ngayon at pakiramdam niya ay parang nawawala siya.

Maya-maya ay narinig niyang may kumatok sa kwarto niya at agad niya namang pinunasan ang luha niya at binuksan ang pinto.

“Nasa baba ang missionaries ngayon at kinakamusta ka.” sabi ng mama niya.

“Sige po susunod po ako, mag-aayos lang po.” sabi niya at pumunta sa cr para maghilamos at magsuklay.

Maya-maya lang ay bumaba na rin siya at kinamusta siya ng mga missionaries. Nung hapon na iyon ay nagkaroon sila ng family home evening at nagdinner kasama ang missionaries.

“So sister, okey na daw po ba kayo?” tanong ni sister Casas at tumango naman si Vlaire bilang pagtugon.

“Sister, magpray lang po kayo at ‘wag kayo mawawalan ng pag-asa, madami pong nagmamahal sa inyo.” sabi nung companion ni sister Casas. Ngumiti lang si Vlaire kahit na alam niyang peke lang iyon.

Nung matapos magdinner kasama ang mga missionaries ay inihatid nila ito at nagpaalam.

“Sige po ingat po kayo sisters!” sabi ng kapatid ni Vlaire na si Xiara habang kumakaway dito.

“Ingat po kayo salamat ulit sa pagbisita sa amin.” sabi ng papa ni Vlaire habang nakikipag-shake hands dito.

Bago umalis ng tuluyan ang mga missionaries ay may inabot na letter si sister Mac kay Vlaire. Nagtaka naman si Vlaire ngunit nginitian niya lang ito at naglakad na kasama ang companion niya. Nung makaalis na ang mga missionaries ay umakyat naman siya sa kwarto niya at binasa ang letter ni sister Mac.

Dear sister Vlaire,

Alam ko na nahihirapan ka ngayon at nararamdaman mong parang mag-isa ka lang ngayon. Alam ko yung nararamdaman mo dahil naranasan ko rin iyan. I used to be bullied in my school before and I was a loner, I don’t have friends and my classmates don’t like me either. Kaya kapag lunch namin noon, parati akong mag-isa kumain at lagi akong nasa isang sulok. Hanggang sa nung isang araw, I gave up and I tried to kill myself. I was depressed before but with the help of the missionaries and my family, I was able to endure this trial. Pero hindi lang dahil doon, kundi dahil sa sinabi rin sa akin ng isang missionary noon na magpray lang ako at humingi ng tulong sa Diyos. That time I prayed, even though I can’t feel anything, I still prayed and do you know what happened? I felt happy and at peace. I was amaze and that time my testimony grew because of that experience. Sister Vlaire, alam ko na hindi ka mag-isa at nandiyan parati si Heavenly Father para i-ease yung burdens mo. Just pray and have faith.

Love,

Sister Mac


That time ay nagpray si Vlaire at sa wakas ay nakaramdam siya ng happiness at peace. Even though she felt shaken with her testimony before, she was glad to know that she is not alone and that Heavenly Father is always there for her.Ngayon na magse-serve na siya sa mission ay masaya siya dahil hindi nawala ang testimony niya at masaya siyang maglilingkod sa Diyos.

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Mormon Lit Blitz: Global Call for Submissions

Please help us spread the word about a writing contest for Mormon writers from any country and working in any language! The Mormon Lit...

Comments


bottom of page