top of page
Writer's pictureCecelia Proffit

"Muling Pagkabuhay" ni Maria Evelyn Quilla Soleta

Read the author's English translation here.


Muling Pagkabuhay

ni Maria Evelyn Quilla Soleta


Hali ka, hali kayo! Masdan ang Panginoon na tinanggalan ng koronang tinik!

Hinusgahan at Siya ay ipinako sa krus dahil sa kasalanang di Nya ginawa.

Pinalo. Pinukpok. Sinaktan.

Ipinilit na uminom sa kopang mapait

Ng Kanyang mga kaaway, Siya ay kinutya

Nung Siya ay namatay

Ang buong mundo ay nagluksa.


Hali ka, hali kayo! Masdan ang Panginoon na tinanggalan ng kopang tinik!

Sa mga nagsisi, nakita ang Kanyang puting balabal na punit-punit.

Sinaktan, namatay, at ibinurol,

Tinakpan ng batong walang

Pangalan o bulaklak na alay.

Tatlong araw ang lumipas

Muli Siyang nabuhay!


Hali ka! Hali kayo! Masdan ang Panginoon na tinanggalan ng koronang tinik!


Mga kasalanan ng lahat ay Kanyang pinsan at tiniis

Subalit kung tayo ay mangako

At tayo ay lumapit

Dadalhin Niya tayo sa Kanyang tahanan,

Malugod at masaya

Sa langit!



This piece was published in 2023 as part of the Around the World in Mormon Literature contest by the Mormon Lit Lab. Sign up for our newsletter for future updates.

53 views0 comments

Recent Posts

See All

Komentar


Mengomentari telah dimatikan.
bottom of page